Tuesday, December 13, 2011

Bakla, natagpuang patay sa QC (DZMM)

1st posted and published @ http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Metro/Bakla,_natagpuang_patay_sa_QC.html

Bakla, natagpuang patay sa QC

By dzmm.com.ph | 11:25 AM 12/12/2011

Isang bakla ang natagpuang patay sa isang bakanteng lote malapit sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Basag ang mukha, nakababa ang shorts at nakalabas pa ang ari ng biktimang si Gilbert Sergio, 26 anyos nang matagpuan ng kaibigang si Mary Rose.

Natagpuan din sa tabi ng biktima ang isang malaking bato na may dugo na hinihinalang ginamit sa pagpatay dito.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente gayundin ang lalaking umano'y huling nakausap ng biktima kagabi. Report from Dennis Datu, Radyo Patrol 42

No comments:

Post a Comment