Friday, September 16, 2011

He's Gay and I Love Him

First LGBT Rights Blog Fest Entry. First posted in Facebook Notes.


by Doreen Era E. Murata on Wednesday, September 14, 2011 at 9:35am

"Bakla yan teh, wag mo na pangarapin, di kayo niyan talo."


Lagi lagi na lang yan ang naririnig ko sa mga ka-tropa ko kapag may itinuturo akong lalake at sinasabi ko na crush ko. Madalas, nagpapadyak ako at humahaba ang nguso sabay bulong ng " Anu ba yan?! Sobrang sarap na ba talaga ng mga lalake at sila silang nagtitikiman?" na sasagutin naman ng mga bakla kong kaibigan ng "Naman teh! Kelangan pa ba i-memorize yan?"


And we will all burst out laughing.


Yun ang makulay na bahagi ng pagiging bading at pagkakaroon ng mga kaibigan at kapamilyang bading. Maluha luha ka na at napapatumbling ka na sa stress ay nakukuha mo pa ring maging masaya kapag andyan sila.


Ang kabilang mukha nito ay ang hirap at sakit na nararamdaman ng mga babaeng (kagaya ko!) ay tumitibok ang puso sa mga lalakeng ang tinitibok naman ng puso ay kapareho din nilang lalake din. Masakit, may kirot at panghihinayang. Subalit, lagi kong inaalala ang sinabi ng Mom ko noon (at sinabi din sa pelikulang Zombading) na ang pagmamahal at pag-ibig ay walang kinikilalang kasarian. Kung mahal mo yung tao, mahal mo siya ng buong-buo,walang "dapat ganito,dapat ganyan" na issue. Package deal, wika nga nila.


May kirot man sa damdamin kapag sinasabing "bakla" ang lalakeng bet ko, tinatawa ko na lang. Anung magagawa ko ei sa kanya ko nakikita ang mga katangiang nihahanap ko sa mamahalin ko. At nagagawa niyang patawanin ako kahit na ang gusto ko na lang ay mag lupasay at mang-warla dahil sa inis.


Bakla man ay may karapatan din silang umibig at ibigin. Katulad ng mga taong itinuturing ng lipunan na "normal" tao din sila, kapantay ng lahat sa paggalang at sa kalayaan. Maaring naiiba sila sa pananaw ng nakakarami. Subalit, naging kakaiba lang naman sila sapagkat nagpapakatotoo sila sa kanilang sarili.


Siguro nga dapat silang tularan ng lahat - malaya, makatotohanan at nagsusumikap lumigaya.

Kaya sa susunod na sasabihin sa akin ng mga katropa ko na "Teh, bakla yan", sasagutin ko na ng "Oo, at mahal ko siya. May problema?".


XoXo.

4 comments: